God’s Power In My Life

God keeps His promise, & He will not allow you to be tested beyond your power to remain firm, at the time you are put to the test, He will give you the strength to endure it, and so provide you with a way out.. (The Lord will fulfill His purpose for you! be still and know that He is always with you!) body {background: url(’http://img142.imageshack.us/img142/3696/wearybkgrndvx2.jpg’}

My past.. my present… and my future!

Filed under: Uncategorized — blessedladyfate at 10:57 pm on Monday, October 6, 2008

Greetings in the Most Precious Name of our Lord! How are ya’ll? I want you all to know that you are all dear to me.. Im so thankful and blessed to have you all as my friends..

 Most of ya’ll know my past.. Some just read part of my life.. Some told me that they’ve been reading it lots of times.. I want to thank you all for spending your time reading it.. Today, I had a very bad headache and was not able to see my son the whole day.. As a Mom, its hard for me not to see my son.. He is still in the hospital and hopefully on Saturday, October 11 on my birthday, he will be able to be home with us.. At night, I can’t sleep thinking of him.. He’s been there in the hospital since he was born until this very moment.. His Dad went there today after work and he told me that he enjoyed talking, touching and feeding him.. Im breastfeeding him and I pump his milk whenever Im at home.. Its really an amazing feeling to touch the skin of my child.. Last Friday, while I was breastfeeding him, my Mother-in-law was talking to Caleb and she said, “Your Mommy did good.. Look at you, you are so sweet..” My heart cried for joy! I have experienced pain and difficulties when I was carrying him.. Im glad that God gave my Ob enough wisdom to do what he needed to do.. Praise God!

 Sa pagbabalik sa aking nakaraan, napapaiyak ako sa kaligayahan.. Kung hindi ko natagpuan ang Panginoon, nasaan na kaya ako ngayon? Kung nagpadala ako sa aking nararamdaman, ano na kaya ang buhay ko ngayon? Walang katapusang pasasalamat at nais kong ibalik ang lahat lahat ng papuri at pasasalamat sa ating Diyos! Wala akong maipagmamalaki sa Kanya.. Sa kabila ng mga pagkakamali ko at hindi ako naging tapat sa Kanya, patuloy Nya akong minahal at patuloy na ipinakilala ang Kanyang pagkaDiyos! Minsan pa, sa muling pagkakataon, pinatunayan Nya kung gaano Nya ako kamahal.. Kung gaano Nya ipinakita sa akin kung sino Sya sa aking buhay! Sa paglipas ng maraming taon, patuloy Nya akong binibiyayan.. Higit sa lahat, sa bawat pagusad ng sandali, patuloy Nyang ipinapadama sa akin na Sya ay BUHAY NA DIYOS, HINDI NAGBABAGO.. Kung titingnan ko ang kinalalagyan ko ngayon, bagamat di ako nakapagaral, hindi yun naging hadlang para bigyan Nya ako ng maayos na buhay.. Tunay na Sya lamang ang makasasapat sa lahat ng ating pangangailangan..

  Sa oras ng aking paghihirap, I almost had brain seizure or muntik na pong mawala ang aking buhay kung di ako naagapan.. I praise God that after my Ob found out that I had SUPERIMPOSED PREECLAMPSIA, he did not think twice nor decided late before I got hurt.. Napakabuti ng Panginoon dahil ginamit Nya ang aking doktor para magawa ang nararapat na mga proseso at paraan para sa kaligtasan naming magina.. Walang katapusang pagpupuri ang nararapat kong ibigay sa Kanya! Naramdaman ko ang Kanyang pagyakap nung mga sandaling sobrang hirap na ang nararamdaman ko.. Sa pagbabalik sa aking mga naunahang blog, lagi kong dalangin na pagkalooban kami ng anak.. Tunay na sa tamang panahon, ipagkakaloob ng ating Diyos ang mga kasagutan sa ating mga panalangin.. Kung hindi man ang gusto nating kasagutan ang ipagkakaloob Nya, alam Nya ang higit na nararapat para sa atin..

  Sa pagsapit ng aking ika 29 na kaarawan at ikaapat na anibersaryo ng aming pagiisang dibdib, isang napakagandang regalo ang ipinagkaloob Nya sa amin.. Isang anak na sa kabila ng lahat ng mahirap kong pagdadalantao, hindi kami pinabayaan ng Panginoon at pinagkalooban Nya kami ng isang malusog na sanggol.. Alam kong kasama ng aking asawa, higit sa lahat kasama ko ang Panginoon sa pagpapalaki sa aking anak.. Hindi ako perpektong asawa, pero ipinagkakatiwala ko na lang sa ating Panginoon ang lahat para bigyan Nya ako ng kakayahan, lakas at buong pagmamahal sa aking kabiyak. Isang napakabuting asawa ang ipinagkaloob Nya sa akin.. Sa kabila ng aking nakaraan, ang aking kahirapan ay di nya ininda para tingnan ang estado ng aking buhay.. Ang pagpatol ko sa isang lesbian ay di nya ginawang hadlang para mahalin ako. Sa bawat araw ng aming pagsasama, dun ko nakikita kung gaano sya kabuting tao.. Higit sa lahat, sa bawat araw sa aking paggising, nakikita ko ang kabutihan ng Diyos sa buhay ng aking asawa.. Nararamdaman ko ang pagmamahal ng Panginoon sa akin sa pamamagitan ng pagmamahal ng aking asawa, pamilya, mga biyenan at mga kaibigan.. Kung nasaan man ang aking tunay na ama ngayon, nais kong malaman nya na sa kabila ng pagiwan nya sa amin ay walang katiting na galit sa aking puso.. Sa aking Ina na nasa Pilipinas, hintayin nyo lang po Inay at kukuhain ko na kayo kung ipagkakaloob ng Panginoon ay sa susunod na taon na po yun.. Muli sa lahat ng mga pangyayari, nangyari at mangyayari pa sa aking buhay; lahat lahat ay ipinagkakatiwala ko na po sa Inyo Panginoon.. Ikaw ang may-ari ng lahat. Hayaan Mo pong ibalik ko lahat ng papuri, pasasalamat, pagsamba at pagdakila sa Pinakamatamis na Ngalan ni Hesus.. Amen..



2 Comments »

322

   Alice

October 8, 2008 @ 9:27 pm

Panginoon,kaybuti mo sa akin,sa kanya, sa aming lahat…Halleluiah,Praise the LORD! Sis,patuloy nangungusap sa iyo ang Panginoon,MAHAL ka nya di ka nya pababayaan. Kaya nga pag-sinurender natin lahat sa kanya ang sarili natin ,ang magandang plano at biyaya nya ang ating nakakamtan,na hindi natin nakita o nahagip sa ating imahinasyon. Sa iyo kapatid, maligayang kaarawan, happy anniversary and happy blessed day with a newborn Andrei-PEACE,JOY,LOVE on this SPECIAL days of yours…..what a package! This is the day ,that the LORD has made, let us rejoice and be glad in it…..yahoooooooooo!!!
In Christ’s LOVE,
Ate alice

325

   bhelle

October 13, 2008 @ 6:28 pm

Praise God!! Tunay na napakabuti ng ating Panginoon Hesus!!..Patuloy sya sa pagtulong saten sa kabila ng mga pagkakamali natin…
Nagpapasalamat ako sa ating mahal na Hesus dahil patuloy ako nabe-blessed everytime na magvisit ako d2 sa profile mo..patuloy ka NYA ginagamit sa buhay ko…Pareho sila baby Caleb and baby Jeremiah ng naging situation..naiwan din si baby Jeremiah sa Hospital dahil need ng baby ko ng maraming test and therapy for almost 14days..that time na lumabas ako ng hospital na hinde kasama si baby..umiiyak ako..pero nung nag-pray kami nila Pastor Mel,nawala na yun lahat ng pangamba ko..at lahat lahat ay isinurender ko na kay LORD..and thanks God coz instead na 14days c bby na magstay sa hospital,naging 7days lng xa dun..and lahat naging ok na..even un pagiging clubfoot niya nawala! God is truly amazing God!..
Gusto ko magpasalamat kay Lord sa paggamit NYA sa profile mo,malaki ang ginawa ni God sa buhay ko dahil sa mga naging patotoo mo..ang testimony mo ay nagsilsilbing buhay na patotoo sa buhay ko at ng maraming tao na ang hanap ay kakuntentuhan sa buhay..Nahanap ko ang kaluluwa kong naligaw ng landas dahil sa mga patotoo mo at yun ay dahil ginamit ka ng Holy Spirit upang mangusap SYa sa buhay ko upang ako’y manumbalik sa Kanya..Mas naging maiinit ang pananampalataya ko ngaun..Sa Diyos Ama ang papuri at pasasalamat sa lahat ng kabutihan NYA sa buhay natin!
In Jesus name—AMEN!!

I miz u ate mhel(although,mas bata ka saken sa age but i address u “ate” dahil sa pagiging matured christian mo)..nahihiya man ako kay LOrd about that,but e2 un katotohanan..

thanks alot!

take care and big hugs to baby Caleb!!

Blessings to u…

~~~Bhelle~~~

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>