When we are faithful to keep ourselves in His Holy Presence, and set Him always before us, this hinders our offending Him, and doing anything that may displease Him.
Greetings in the name of the Lord! How are ya’ll? Nais ko pong iparating sa lahat ng aking mambabasa tungkol sa di ko pagbubuntis na di na po ako malungkot, tunay na dakila ang Panginoon.. Sinabi Nya sa Kanyang salita sa John 15:7 na " If you remain in Me and my Words remain in you, ask whatever you wish and it will be given to you".. (Salamat po Panginoon at panghahawakan ko ang Salita Mo Oh Diyos…. Anuman po ang nais Mo sa buhay ko ay nawang ang kalooban Mo lang ang Syang maghari)..Tunay na Sya ay Dakila.. Hindi nagbabago at mananatiling tapat sa buhay natin.. Sa mga nakaraang araw po ay naging abala lamang ako sa mga gawain ng Panginoon.. Nagkaroon ng baby shower sa bahay ng isa kong kaibigan para sa buntis naming kaibigan, nagpunta kami ni Ledjie sa malll after that at gabi na nakauwi at i had my quality time with my inlaws and my dear husband.. Bumisita ako sa mga bahay ng kaibigan ko, ng lola ni Rance, ng pamangkin ni Rance, at naging abala po ako sa mga bible study.. At pumunta rin po dito sa lugar namin ang buong pamilya ng kaibigan ko, naaliw ang mga bata sa asno(donkey) at naligo sila sa spring water.. Diyan po ako nalilibang kapag ako po ay nahohomesick.. Napakagandang pagmasdan ang mga nilikha ng Panginoon..Tunay na bawat araw sa buhay ko ay isang pagpapala.. May oras na nalulungkot ako dahil naalala ko ang aking Inay, Tatay, mga kamag anak at kapatid at gustong gusto ko po talga magkaanak subalit palaging pinapalitan ng Panginoon ang puso ko ng tunay na sigla at kaligayahan na nagmumula sa Kanya.. Isa sa pagpapala na ibinigay Nya ay natupad ang aking panalangin na bigyan Nya ako ng pagkakataong magamit para magkaroon ng Bible Study sa Slidell at purihin ang Panginoon, ibinigay Nya ang buhay ng magasawang Faith at Brian para magkaroon kami ng Bible study every sunday sa bahay nila.. Dalangin ko na patuloy silang pagpalain ng Panginoon… Sa mga nakaraang araw po ay naging abala ako sa mga bagay na nakapalibot sa akin.. Hindi ko rin po naasikaso ang friendster ko pero salamat sa Panginoon at binuksan Nya ang puso ko upang patuloy na Sya lamang ang aking hanap hanapin.. Sya ang aking buhay…. Hindi man tayo tapat sa Kanya Sya ay mananatiling kasama natin at patuloy na magpapatawad sa mga kasalanan natin.. Kaibigan di ko alam ang nasa puso mo sa mga sandaling ito, marahil ay may dinadala kang pasanin o maaring sa mga sandaling ito ay masaya ka.. Ngunit sa ilalim ng iyong puso, alam ko na may hinahanap ka.. Sya ang kulang sa puwang dyan sa buhay mo.. Hayaan mo lang Sya na pumasok sa puso at hayaang maghari upang sa mga sandaling ito ay magkaroon ng tunay na kaligayahan sa buhay mo at simula sa araw na ito ay magtiwala ka lang at anumang dalangin ng puso mo ay ipagkakaloob Nya ayon sa kagustuhan Nya.. Mahal na mahal ka Nya.. at ganun din ako kung sinumang may mga tao na di malamn ang gagawin, may ISANG TUNAY na kaibigan na kailanman ay di tayo iiwan.. Salamat sa iyong oras aking mahal sa pagbabasa ng aking blog.. Dalangin ko na nawa ay matagpuan mo ang tunay na kaligayahan, hindi natin yun matatagpuan sa mga bagay na nakapalibot sa atin kundi yun ay ang "tunay na relasyon sa ating Panginoon".. Tanggapin mo Sya at papasukin sa buhay mo at nawa ay Sya ang maghari sa bawat parte ng pagkatao mo.. Sya ang Tunay nating Sandigan.. Pagpalain ka ng Panginoon..
ASK GOD TO DWELL IN YOUR HEART!
Love In Christ,
~Sis MeLoDy~
"not I, but Christ"
Galatians 2:20