GOD IS SO AMAZING!
Praise the Lord! I was chatting with Jan Jan and with 12 of my friends on line from 10pm until 3 am and i can feel that God was in the midst of us while we were talking.. After i told them that i will get off line, all of a sudden my sister in Christ Remy messaged me and she told me that she’s watching the JESUS IS LORD ANNIVERSARY coveraged on the internet and she send the link.. So i start watching it..God is great! He made a way para mapanuod ko rin to at maishare sa inyong lahat..Thanks God for sister Remy! Oh God, You’re an Awesome God, there were lots of people there praising the Lord.. and when ate Neth got online, i told her to go to that link, and she went there, she said that she started to cry and she felt the presence of the Lord!(i just met her 3 days ago thru friendster and she told me that there was something in her heart that she felt when she opened MY PAGE). Glory to God, thats my prayer! na sinuman ang magopen nun ay maramdaman nila ang presencia ng Diyos, dahil buong puso kong iniaalay ang lahat ng yun sa Panginoon! Most of my friendster’s friends emailed me and told me that they felt something when they opened my page, im not being proud po kundi im just so happy dahil i can feel that God is moving in their lives..I am truly nothing without HIM.. Friends i want to tell you that, we really need God in our lives.. Walang kabuluhan ang buhay natin kung wala ang pagmamahal natin sa Kanya. Hindi Sya isang katulad ng tao na maaring magbago, na katulad ng isang kaibigan lang na pwede tayong iwan kapag tayo’y nagkamali, ang Diyos ay hindi ganun, Sya ay isang tapat na Panginoon! Hindi Sya nagbabago magpakailanman! Sya ang dahilan kung bakit tayo ay may buhay! Sya ang may hawak ng ating mga buhay! We need HIM friends.. YOU NEED HIM! Huwag mong aksayahin ang mga sandali na dapat ay itinutuon mo sa Kanya.. Huwag tayong paapekto sa mga bagay na nakapalibot sa atin.. Ang lahat ng nangyayari sa atin ay bahagi ng plano Nya sa buhay natin.. Ako, bilang kaibigan mo ay nagsusumamo syo na buksan mo ang puso mo, papasukin mo ang Panginoon. Ang buhay natin ay di natin hawak, subalit kung tatanggapin natin si HESUS para maging Hari ng ating mga buhay makakamtan natin ang buhay na walang hanggan! Hindi ang mga materyal na bagay lamang ang magpapasaya sa atin.. Hindi kayang ibigay ng mundong ito ang tunay na kaligayahan natin.. Lilisan tayo sa mundong ito na wala tayong dala dala.. Kaibigan ko, kung alam nyo lang mahal na mahal ko kayo, kung ano ang pagkakilala nyo sa akin ay kulang pa dun.. Nabubuhay ako para sa Panginoon lamang.. alam ng asawa ko kung paano ako umiiyak para sa mga kaibigan ko na napapahalagahan nila masyado ang mga material na bagay. Mga kaibigan, nagsusumamo ako sa inyo tanggapin nyo at papasukin nyo ang Panginoon sa buhay nyo. Hindi pa huli ang lahat para talikuran ang mga bagay na nakasanayan natin, walang kayang ibigay ng mundong ito sa atin.. ang Panginoon lamang ang kayang pumuno ng lahat lahat sa buhay natin. Maraming salamat sa patuloy na pagbasa nyo ng BLOG ko! Pagpalain kayong lahat ng Panginoon! Dlangin ko na maging masaya rin kayong tulad ko at matagpuan ninyo ang Panginoon at maging Hari Sya ng inyong mga buhay..
HERES THE LINK FOR THE JIL ANNIVERSARY; http://www.eradioportal.com/, just click this link and go to RECENT EVENTS, then you will see JESUS IS LORD..Hope you’ll be bless and may God’s presence be upon you while you’re watching it.. It was taken in the Philippines, Luneta. God bless you all!
verse for the day;
What a happiness for those whose guilt has been forgiven! What joys when sins are covered over! What relief for those who have confessed their sins and God has cleared their record. PSALM 32:1b
Sister in Christ,
sis melody